14-anyos binaril ng sekyu dahil sa pag-akyat sa puno ng manggo,todas
December 9, 2003 | 12:00am
Dahil lamang sa pag-akyat sa puno ng mangga, isang 14-anyos na binatilyo ang binaril at napatay ng isang security guard kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila.
Namatay habang ginagamot sa Lourdes Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Roberto Alvarina, out of school youth at residente sa 1093 Pat. Antonio St. ng nataurang lugar.
Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na nakilalang si Bienvenido Francisco, 54, security guard ng Black Hawk Security Agency at nakatalaga sa Lancom Village na nasa V. Mapa Extension na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa harapan ng bahay sa No.49 Lancom Village kung saan dito nakatalagang sekyu ang suspect.
Bago umano naganap ang pamamaril ay umakyat ng puno ng mangga ang biktima at nang makita ito ng suspect ay kaagad na pinababa.
Hindi naman agad bumaba ang bata dahilan upang magalit ang suspect. Nang makababa na sa puno ang biktima ay mabilis itong hinawakan sa kamay ng suspect at tuluyang pinagalitan.
Nagpapalag ang biktima at mabilis na nakatakbo papalayo na lalong ikinagalit ng sekyu kung kaya binunot nito ang kanyang service firearm at saka binaril ang bata na tinamaan sa ulo at naging sanhi ng kamatayan nito.(Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended