Rapist bitayin din
December 8, 2003 | 12:00am
Hindi lamang ang mga kidnapper ang dapat na bitayin alinsunod sa patakaran ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pag-alis sa moratorium ng death penalty, kundi dapat isailalim din sa lethal injection ang mga convicted rapists at mamamatay tao.
Ito ang naging panawagan ni Jamby Madrigal, dating presidential adviser for childrens affairs bilang reaksyon nito sa desisyon ni PGMA na hindi na i-lift ang moratorium sa mga preso na hahatulan ng kamatayan dahil sa panggagahasa at pagpatay sa mga bata.
Nagbabala din si Madrigal sa Malacanang na hindi na nito dapat pang ipagpaliban ang execution ng death convicts, laluna sa mga rapists at mamamatay ng mga kabataan, na pinagtibay na ng Supreme Court (SC).
Kasabay nito, tinawagan ni Madrigal ang SC na repasuhing mabuti ang desisyon ng lower courts na nagpapataw ng death penalty sa mga taong napatunayang nakagawa ng heinous crimes.
Kabilang si Madrigal sa nananawagan na alisin na ang moratorium sa parusang kamatayan bunga ng sharp rise ng kidnapping for ransom at drug trafficking incients sa bansa.
Ipinasiya ni GMA na i-lift ang moratorium dahil sa kahilingan ng Filipino-Chinese community at ng iba pang sektor ng lipunan sa kabila ng pagtutol ng Simbahang Katoliko.
Sinabi rin ni Madrigal, spokesperson ng Kontra-Pulitika Movement (KPM), na hindi dapat maawa ang gobyerno sa mga taong nahatulan dahil sa pagpatay sa mga bata at panggagahasa sa kanila.
Ayon kay Madrigal na kailangang ipatupad ni PGMA ang death penalty dahil ito ay isang batas na ipinagtibay sa bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended