^

Metro

GRO ginulpi ng GRO

-
Isang 28-anyos na guest relation officer (GRO) ang ginulpi ng kapwa GRO matapos umanong mag-agawan ang mga ito ng customer sa loob ng isang karaoke bar, kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Kasalukuyan pa ring ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktimang si Winnie Buenaventura, GRO ng Club Amuro na matatagpuan sa nabanggit na lungsod at residente ng Soldier Hills, Bacoor, Cavite sanhi ng tinamo nitong mga pasa at bukol sa ibat-ibang parte ng katawan.

Pinaghahanap naman sa kasalukuyan ng awtoridad ang suspect na si Juliet Tan, GRO naman sa Sachi Karaoke Bar na matatagpuan sa Pasay Road, San Lorenzo Village, Makati City.

Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-3:30 sa loob ng New Sachi Karaoke Bar.

Nabatid na unang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspect dahil sa pag-aagawan umano ng customer hanggang sa nauwi ito sa panggugulpi ng huli sa una. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BACOOR

CLUB AMURO

JULIET TAN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NEW SACHI KARAOKE BAR

PASAY ROAD

SACHI KARAOKE BAR

SAN LORENZO VILLAGE

SOLDIER HILLS

WINNIE BUENAVENTURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with