Kinilala ni Caloocan City Fire Marshall chief Agapito Nacario ang mga biktima na sina Emmanuel Roxas, 6; pinsan nitong may kapansanan sa pag-iisip na si Roderick Roxas, 19 at ang kanilang tiyahin na si Intang Roxas, 40.
Nabatid kay Nacario na nagsimula ang sunog dakong alas-3:15 sa ikalawang palapag ng bahay ng mga biktima na makikita sa Tulingan St., Dagat-dagatan ng nabanggit na lungsod.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay hindi na nagawa pang makalabas ng mga biktima sa kanilang bahay dahilan upang kasama silang maabo sa sunog.
Napag-alaman na halos hindi na makikilala pa ang mga bangkay ng biktima dahil sa tindi nang pagkasunog.
Ayon pa kay Nacario nadamay din sa nasabing sunog ang ilang kabahayan sa nabanggit na lugar kung saan naapula lamang ng mga pamatay-sunog dakong alas-50 ng hapon.
Aabot naman sa P4 milyong ari-rian ang nadamay sa sunog kung saan hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ng awtoridad ang pinagmulan nito. (Ulat ni Rose Tamayo)