2 heneral ng PNP nagturuan sa isyu ng mass leave
December 6, 2003 | 12:00am
Nagturuan kahapon ang dalawang heneral ng PNP sa panghihikayat sa mga opisyal at tauhan ng pulisya na sumama sa planong paglulunsad ng mass leave kaugnay sa makontrobersiyal na Laban-Bawi revamp na naglalayong patalsikin sa puwesto si PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane.
Ayon sa sinibak na si dating PNP-CIDG chief Director Eduardo Matillano na hindi siya ang may pakana nito kundi si outgoing CALABARZON Region 4 Director Chief Supt. Jaime Caringal.
Sinabi ni Matillano na si Caringal umano ang humikayat sa kanya na magsagawa at tumulong sa panghihikayat para sa planong mass leave dahil nga sa umanoy hindi makatuwirang revamp ni Ebdane.
Si Caringal ay kabilang rin sa binalasa na hahawak sa bagong posisyon bilang director ng PRO 12.
Sa panig ni Caringal, pinabulaanan nito na hinihikayat niya ang kanyang mga tauhan para sumama sa mass leave at wala rin umano siyang nalalaman sa mga sinasabi ni Matillano na lumantad at pumiyok sa nasabing revamp. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended