^

Metro

Paghihiganti motibo sa grenade explosion

-
Pinaniniwalaang miyembro ng grupo ng mga snatcher at holdaper ang tatlong kalalakihan na naghagis ng granada sa Makati City kamakalawa ng gabi na ikinasugat ng apat katao.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na posibleng naghihiganti ang mga suspect kung saan ang isa sa mga biktima ay siyang nagpahuli sa mga kriminal sa kanilang lugar kamakailan.

Kasalukuyang ginagamot sa Makati Medical Center ang mga sugatang biktima na nakilalang sina Cresencio Saquilayan, 53 at Teddy Fuentes, kapwa taga Barangay Bangkal ng nabanggit na lungsod.

Samantalang ang dalawa pang sugatan ay nakilalang sina Mary Ann Magbatuc, 25, at Constancio Columna, 56, na ginagamot naman sa Pasay General Hospital.

Kaagad namang tumakas ang tatlong suspect kung saan ang isa dito ay nakilala sa alyas na Toto.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa panulukan ng Lacuna at M. Reyes Sts. sa Brgy. Bangkal sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na kasalukuyang nag-iinom ang mga biktima ng walang sabi-sabing hinagisan sila ng granada ng mga suspect.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang puntirya ng mga suspect ay ang biktimang si Saquilayan at nadamay lamang ang tatlo, dahil sa umano’y ito ang nagpahuli sa mga taong nasasangkot sa krimen sa kanilang lugar tulad ng mga snatcher at holdaper.

Naniniwala ang pulisya na ang mga naghagis ng granada ay kabilang sa grupong ininguso ng isa sa mga biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY BANGKAL

CONSTANCIO COLUMNA

CRESENCIO SAQUILAYAN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MARY ANN MAGBATUC

PASAY GENERAL HOSPITAL

REYES STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with