^

Metro

Bebot kinatay ng ka-live in

-
Isang babae na hinihinalang pinatay ng kanyang live-in partner ang natagpuan sa loob ng kanilang tahanan na may mga saksak sa dibdib at sugat sa katawan, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Navotas.

Nakilala ang biktima na si Heidi Oplo, ng R-10 North Boulevard South ng nasabing bayan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang sinasabing live-in partner nitong isang alyas Boy.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:20 ng gabi nang matagpuan ni Geraldine Trapa, 27, ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito.

Napag-alamang nagtungo si Trapa sa bahay ng biktima para kamustahin ito dahil sa matagal na silang hindi nagkikita.

Ayon sa mga kapitbahay ng nasawi, bago matuklasan ang bangkay ay narinig nila ang pakikipagtalo ng babae sa kanyang ka-live in. Pinaparatangan umano ng suspect ang nasawi na may ibang lalaki.

Patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BATAY

GERALDINE TRAPA

HEIDI OPLO

ISANG

NAKILALA

NAPAG

NAVOTAS

NORTH BOULEVARD SOUTH

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with