Samantala, dalawang matataas na opisyal ng PNP ang hayagan nang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa liderato ni Ebdane.
Magugunitang una nang nagbanta si dating NCRPO Deputy Director Reynaldo Velasco na posibleng magbunsod sa panibagong rebelyon ang kontroberisyal na revamp.
Magugunitang inihayag ni Velasco na tuluyan na umanong napasok ng pulitika ang hanay ng pulisya.
Buong tapang din naman kinuwestiyon ni dating CIDG chief Director Eduardo Matillano ang liderato ni Ebdane kasabay nang pagsasabing dapat na nitong lisanin ang puwesto.
Si Velasco at Matillano ay kapwa naapektuhan sa isinagawang revamp ng PNP na nagsabing hindi umano dumaan sa tamang proseso ang naturang rigodon. Hindi rin umano ito dumaan sa deliberasyon ng PNP Senior Officers Promotions and Placement Board at hindi rin ito aprubado ng NAPOLCOM.
Nabatid na sa unang bugso ng ipinatupad na revamp ay 32 opisyal ang nahagip subalit sa hindi malamang dahilan kahit pirmado ang order ay nanatili pa rin sa kanilang mga puwesto ang 12 sa mga kinauukulan bagay na ipinagputok ng butse ng mga unang sinibak sa puwesto.
Patuloy din umanong umiiral ang favoritism at bata-bata system sa loob ng command. (Ulat ni Joy Cantos)