P200-M pekeng CD's nasamsam
December 3, 2003 | 12:00am
Muli na namang sinalakay ng mga tauhan ng Videogram Regulatory Board ang Quiapo Commercial District sa Maynila kung saan umaabot sa P200 milyong halaga ng mga pirated VCD at CD ang nakumpiska sa mga bodega, kahapon ng umaga.
Dakong alas-5:30 pa lamang ng umaga ay kinordon na ng mga tauhan ng Western Police District ang naturang lugar upang maiwasan ang maaaring kaguluhan.
Nabatid na may 200 tauhan ng WPD at PNP Special Action Force ang nagsagawa ng naturang operasyon.
Inumpisahang buksan ang mga bodega ng mga tinderong Muslim nang dumating si VRB Chairman Bong Revilla kung saan nadiskubre ang daan libong nakaimbak na pirated compact discs, video compact dics at DVDs.
Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng 336 search warrant na inilabas ni Judge Artemio Tipon ng Manila Regional Trial Court branch 46. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended