WPD umiskor: P 6-M shabu nasamsam
December 2, 2003 | 12:00am
Muling nakapuntos ang Western Police District (WPD) laban sa droga nang makumpiska ng mga ito ang may tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.
Iprinisinta ng WPD director Chief Supt.Pedro Bulaong kay Manila Mayor Lito Atienza Jr. ang nadakip na suspect na nakilalang si Jeffrey Andripa, 25, ng 14 Compound Brgy. Sun Valley, Paranaque City.
Kasalukuyang isinasailalim ito sa masusing interogasyon para mabatid kung sino ang supplier nito o kung sino ang utak ng sindikato.
Ayon sa report, isang impormasyon ang natanggap ng pulisya buhat sa isang asset tungkol sa pagkakasangkot ng suspect sa ilegal na droga kung kaya isang linggong surveillance ang isinagawa ng pulisya laban dito.
Natiklo ang suspect malapit sa Aristocrat Restaurant sa may Remedios St., Malate dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi.
Sakay ang suspect sa isang Toyota Corona nang harangin ng mga pulis. Dito nadiskubre ang mga droga sa loob ng kotse na pinaniniwalaang nakatakdang ideliber ng suspect sa kanilang kliyente. (Ulat nina Danilo Garcia/ Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest