P7-M pabuya sa nagnguso sa Valenzuela shabu lab
December 2, 2003 | 12:00am
Tumataginting na P7.5 milyon ang posibleng ipagkaloob sa informer na nagturo ng shabu laboratory sa Valenzuela City matapos makasamsam ng bilyong halaga ng shabu at mga kemikal noong Nobyembre 11.
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Anti Illegal Drugs Special Operations chief Deputy Director Edgardo Aglipay.
Ayon kay Aglipay, base sa kanilang isinagawang komputasyon ay posibleng umabot sa naturang halaga ang matatanggap ng instant millionnaire nilang tipster.
Nabatid na ang nasabing mapalad na informer ay isang ordinaryong sibilyan na sa laki ng makukuhang reward ay siguradong mababago ang takbo ng buhay.
Gayunman, tumanggi si Aglipay na tukuyin ang pagkakakilanlan pa rito.
Idinagdag pa ni Aglipay na kasalukuyang dumaraan pa rin sa masusing proseso at beripikasyon ang shabu laboratory tipster bago nito tuluyang makuha ang malaking reward. Magugunitang aabot sa P1.5 bilyong halaga ng shabu at mga kemikal ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang pagsalakay sa shabu lab sa Valenzuela City. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended