^

Metro

7-buwang sanggol inihagis sa bubong ng lasing na ama

-
Parang bola na inihagis ng isang mister sa bubungan ng kanilang bahay ang 7-buwang gulang niyang anak na lalaki at saka hinabol naman ng saksak ang kanyang misis matapos na maghinala na mayroon itong ibang lalaki, kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Arestado ang suspect na si Bing Ponce, 25, ng Carnation Road, Road 10 North Bay Boulevard South ng nasabing bayan.

Samantala, nasa ligtas na namang kalagayan ang kanilang anak habang ang kanyang misis na si May-May naman ay nagtamo ng mga galos sa katawan.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:10 ng gabi makaraang makipag-inuman sa kanilang kapitbahay ang suspect at pagkatapos ay mainit ang ulo nito na umuwi sa kanilang bahay.

Agad nitong kinompronta ang misis tungkol sa kumakalat na balitang may ibang lalaking kinahuhumalingan ito.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa biglang hablutin ng suspect ang kargang anak at saka biglang inihagis sa bubungan.

Hindi pa nasiyahan at kumuha ng kutsilyo ang suspect at saka hinabol ng saksak ang asawa.

Naawat lamang ang suspect sa pagwawala matapos itong pagtulungan ng kanilang kapitbahay na naging dahilan upang mailigtas ang mag-ina. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ARESTADO

BING PONCE

CARNATION ROAD

DAHIL

MAY-MAY

NAAWAT

NAVOTAS

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

ROSE TAMAYO

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with