Parak nag-Rambo: 4 sugatan
November 27, 2003 | 12:00am
Isang pulis na nakatalaga sa Camp Crame ang nag-ala-Rambo matapos na umanoy manghabol ng putok ng baril kung saan kritikal ang isang driver nang tamaan ng bala sa mukha, habang tatlo pa ang sugatan, kamakalawa ng gabi sa Pandacan, Maynila.
Agaw-buhay ngayon sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa anim na tama ng bala sa mukha at katawan ang biktimang si Filemon Murillo, 50, tricycle driver.
Isinugod din sa naturang pagamutan ang tatlo pang biktima na tinamaan ng ligaw na bala na nakilalang sina Eligio Murillo, 43; Ramil Espino, 14; at Liza Lu Cagiwa, 36, pawang mga residente ng Laura St., Pandacan.
Agad namang naaresto ng pulisya ang suspect na si PO3 Wilson Gazzingan, nakatalaga sa Civil Security Group sa Camp Crame.
Sa ulat ng WPD-General Assignment Section (GAS), naganap ang insidente dakong alas-10:20 ng gabi sa kahabaan ng Laura St., Pandacan.
Sa salaysay ni Gazzingan, sakay umano siya ng service car ng Brgy. 864 Zone 94 nang humarang sa kalsada si Murillo na langung-lango sa alak.
Nang sitahin ito, nagalit pa umano si Murillo at tinangkang sugurin si Gazzingan ng saksak kaya napilitan ang pulis na paputukan ang biktima. Tinamaan naman ng ligaw na bala ang tatlong bystander sa lugar.
Ayon naman sa panig ni Murillo, wala umanong dalang patalim ang biktima na hinabol pa ni Gazzingan sa kalsada habang nagpapaputok kaya nahagip ng bala ang ibang nasa kalye. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended