Pagpasok ng mga Chinese sa bansa hihigpitan dahil sa droga
November 26, 2003 | 12:00am
Pinahihigpitan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpasok ng mga Chinese nationals sa bansa partikular na iyong mga nagmula sa Fujian Province, China dahil sa pagiging sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay BI Commissioner Andrea Domingo, ang pagpapalabas ng nasabing kautusan ay bunsod na rin ng nakalap na intelligence report na karamihan sa 20 Chinese na nahuli kamakailan sa mga ni-raid na shabu laboratory ay nagmula sa naturang lalawigan ng China.
Nakipag-ugnayan na rin ang BI sa Dept. of Tourism at Foreign Affairs para maghigpit at siyasating mabuti ang mga dumarating na turista sa bansa.
Binanggit pa ni Domingo na ang aksyon ay alinsunod na rin sa patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga dahil sa karamihan sa mga natutuklasang shabu laboratories ay pag-aari ng mga Intsik na ang tanging hawak na dokumento ay mga tourist visa lamang. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended