Gayunman, dahil na rin sa kakulangan ng iniharap na ebidensiya inabsuwelto ni Judge Agnes Carpio ng Pasig RTC Branch 261 ang akusadong si Acmad Pandapatan sa 87 pang counts ng rape na isinampa sa kanya ng kanyang anak.
Sa rekord ng korte, unang ginahasa ng akusado ang biktima noong madaling-araw ng Setyembre 2000 sa loob ng kanilang bahay sa St. Joseph St., Bagongbayan, Taguig habang natutulog ang huli.
Nabatid na tinutukan ng suspect ng patalim ang anak at saka ginahasa. Matapos ito binantaan pa umano ng akusado na papatayin ang anak kung ito ay magsusumbong kahit kanino.
Binanggit ng biktima na mula noon ay halos araw-araw na siyang ginagahasa ng kanyang ama maliban lang sa araw ng Sabado at Linggo at piyesta opisyal dahil sa walang pasok ang kanyang ina na mananahi.
Noon lamang Enero 15, 2001 naipagtapat ng biktima sa kanyang ina ang ginawang panghahalay ng ama.
Sa dipensa naman ng akusado sinabi nito na nagseselos lang umano ang kanyang asawa dahil sa magandang trato nito sa kanyang mga anak subalit hindi ito pinakinggan ng korte.
Bukod sa parusang bitay pinagbabayad din ng korte ang akusado ng halagang P150,000 bilang danyos sa biktima.
Sa kanyang desisyon sinabi ni Judge Carpio na sa 87 pang insidente ng rape, hindi nakapagprisinta ang prosekusyon ng sapat na ebidensiya kung kaya sa isang insidente lamang ang naging desisyon ng korte para ito mabitay. (Ulat ni Edwin Balasa)