^

Metro

Bitay sa amang humalay ng 88 ulit sa anak

-
Parusang kamatayan ang inihatol ng Pasig City Regional Trial Court sa isang amang humalay ng 88 ulit sa kanyang 15-anyos na anak sa kanilang bahay sa Taguig tatlong taon na ang nakakalipas.

Gayunman, dahil na rin sa kakulangan ng iniharap na ebidensiya inabsuwelto ni Judge Agnes Carpio ng Pasig RTC Branch 261 ang akusadong si Acmad Pandapatan sa 87 pang counts ng rape na isinampa sa kanya ng kanyang anak.

Sa rekord ng korte, unang ginahasa ng akusado ang biktima noong madaling-araw ng Setyembre 2000 sa loob ng kanilang bahay sa St. Joseph St., Bagongbayan, Taguig habang natutulog ang huli.

Nabatid na tinutukan ng suspect ng patalim ang anak at saka ginahasa. Matapos ito binantaan pa umano ng akusado na papatayin ang anak kung ito ay magsusumbong kahit kanino.

Binanggit ng biktima na mula noon ay halos araw-araw na siyang ginagahasa ng kanyang ama maliban lang sa araw ng Sabado at Linggo at piyesta opisyal dahil sa walang pasok ang kanyang ina na mananahi.

Noon lamang Enero 15, 2001 naipagtapat ng biktima sa kanyang ina ang ginawang panghahalay ng ama.

Sa dipensa naman ng akusado sinabi nito na nagseselos lang umano ang kanyang asawa dahil sa magandang trato nito sa kanyang mga anak subalit hindi ito pinakinggan ng korte.

Bukod sa parusang bitay pinagbabayad din ng korte ang akusado ng halagang P150,000 bilang danyos sa biktima.

Sa kanyang desisyon sinabi ni Judge Carpio na sa 87 pang insidente ng rape, hindi nakapagprisinta ang prosekusyon ng sapat na ebidensiya kung kaya sa isang insidente lamang ang naging desisyon ng korte para ito mabitay. (Ulat ni Edwin Balasa)

ACMAD PANDAPATAN

BAGONGBAYAN

BINANGGIT

EDWIN BALASA

JUDGE AGNES CARPIO

JUDGE CARPIO

KANYANG

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

ST. JOSEPH ST.

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with