Armored van holdap: Sekyu patay, 6 pa sugatan
November 25, 2003 | 12:00am
Agad na nasawi ang isang security escort ng Security Bank, habang anim katao naman ang sugatan makaraang holdapin ng limang armadong kalalakihan ang armored van na kumolekta ng pera sa isang branch ng Jollibee sa Muñoz, Quezon City, kahapon.
Nakilala ang nasawing sekyu na si Rizal Guntan.
Samantala agad namanga isinugod sa Quezon City Hospital ang mga sugatang sina David Depuerte, teller ng bangko; Antonio Alibo, security escort; isang alias Lorato; guwardiya sa nasabing foodchain; Reynante Buyan, sekyu sa Muñoz market at di-kilalang cameraman sa TV na niratrat din ng suspects habang kumukuha ng footages.
Sugatan din ang isang nakilalang SPO2 Esteban Apalla na nakatalaga sa Police Community Precinct ng Baler Station.
Batay sa ulat, dakong alas- 3:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa panulukan ng EDSA at Roosevelt Avenue sa Muñoz, Quezon City.
Kasalukuyan umanong inililipat ng mga security guard ang di-pa batid na halaga ng perang kinita ng nasabing foodchain sa armored van nang bigla na lamang silang hintuan ng isang kulay maroon na Revo at kulay pulang Nissan Sentra at agad na tinutukan si Guntan na noon ay siyang may hawak ng duffle bag ng pera.
Nang manlaban ay agad na pinaputukan ng mga suspects si Guntan hanggang sa makipagpalitan na rin ng putok ang iba pang kasamahan nitong sekyu.
Isang cameraman ng GMA 7 na kumakain malapit sa pinangyarihan ng insidente ang nakarinig sa putukan kung kaya nagtangka itong kumuha ng video subalit bago pa man makaporma ay pinaulanan na rin ng bala ng baril ang service na sasakyan nito.
Mabilis na tumakas ang mga suspect matapos malimas ang pera.
Samantala, isa na namang sangay ng Union Bank ang hinoldap ng limang armadong kalalakihan na malapit lamang sa isang himpilan ng pulisya, kahapon ng hapon sa Parañaque City.
Sa sketchy report ng Parañaque City Police, dakong alas-2 ng hapon nang pasukin ng limang hindi nakikilalang armadong mga suspect ang bangko na matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Avenue, Brgy. La Huerta ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na naglalakad lamang ang mga suspect nang salakayin ng mga ito ang bangko makaraang magpanggap na mga kostumer.
Makaraang makapasok ay agad na nagdeklara ng holdap at tinutukan ang mga taong nasa loob ng naturang bangko.
Ilang minuto lamang at mabilis nang nagsitakas ang mga suspect dala ang hindi pa mabatid na kinulimbat na pera. (Ulat nina Angie dela Cruz at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am