^

Metro

Libing ni Sy dinumog ng mga suporter

-
Hindi umano titigil sa paghahanap ng hustisya ang pamilya at mga supporter ng kinidnap at pinaslang na si Betty Chua Sy, Commercial Finance Director ng Coca Cola Export Corporation kung saan ay nagsidagsaan ang mga supporters nito sa kanyang libing, kahapon ng hapon sa Valenzuela City.

Galit at tangan ang ibat-ibang streamers na may nakasaad na ‘Death for Kidnappers at Justice for Betty Chua Sy,’ ay dumagsa ang mahigit sa 5,000 supporters na kinabibilangan ng mga civic groups, mga estudyante at mga Filipino-Chinese businessmen sa libing ni Sy dakong alas-3 sa Ever Memorial Park sa Brgy. Lawang Bato ng nabanggit na lungsod.

Dumalo rin sa libing ni Sy si NAKTAF chief Angelo Reyes at ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Nabatid na ganap na ala-1 ng hapon ng ilabas sa Funeraria Paz sa Araneta Ave. sa Quezon City ang labi ni Sy lulan ng isang kulay itim na Mercedez Benz kung saan mula rito ay nagmartsa ang mga supporters nito na pawang nakasuot ng kulay puti, pula at dilaw na damit bilang simbolo umano sa pakikipaglaban ng mga ito sa karahasang nangyayari sa bansa.

Nagtirik din ng mga kandila sa kalsada ang lahat ng mga pabrikang nadaanan habang naglagay naman ng mga puti at dilaw na ribbon sa kani-kanilang mga tahanan at sasakyan ang iba pang mga supporters ni Sy bilang pakiki-isa umano ng mga ito sa paghingi ng katarungan para sa biktima.

Magugunitang ang bangkay ng 32-anyos na si Sy ay natagpuang nakasilid sa isang plastic bag kung saan ibinalot pa sa kumot ang katawan nito at itinapon sa isang lugar sa Parañaque City, makaraang paslangin ng kanyang mga abductors noong Nob. 19 ng taong kasalukuyan. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANGELO REYES

ARANETA AVE

BETTY CHUA SY

COCA COLA EXPORT CORPORATION

COMMERCIAL FINANCE DIRECTOR

EVER MEMORIAL PARK

FUNERARIA PAZ

LAWANG BATO

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with