4 bumbero kinuyog ng taumbayan sa sunog sa Caloocan
November 21, 2003 | 12:00am
Malubhang nasugatan ang apat na bumbero kung saan isa sa mga ito ang nagtamo ng saksak sa ibat ibang parte ng katawan makaraang kuyugin at bugbugin ang mga ito ng ilang residente sa naganap na sunog, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan City Fire Marshal chief Agapito Nacario ang dalawa sa mga biktima na sina SFO1 Roberto Mendoza, assistant commander ng Balintawak Fire Sub-station at kasamahan nitong si FO2 Mario Bagaman.
Kasalukuyan namang inaalam pa ni Nacario ang pangalan ng dalawa pang mga fire volunteers mula sa Abad Santos Volunteer Fire Brigade kung saan isa sa mga ito ay nagtamo ng mga saksak sa ibat ibang parte ng katawan.
Napag-alaman pa kay Nacario na ninakaw din umano ng ilang mga residente ang dalawang hose at nozzle ng mga bumbero.
Dahil sa nasabing insidente ay agad na umabot sa General alarm ang sunog na nag-umpisa dakong alas-9:55 ng gabi sa Gen. Tirona at de Jesus Sts., Bagong Barrio, Caloocan City na tuluyan lamang naapula kahapon ng alas-7:30 ng umaga.
Sa ulat, mahigit sa 60 kabahayan at P10 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok sa nasabing sunog.
Nabatid na nasa kalagitnaan ng pag-apula ng sunog ang mga bumbero nang bigla na lamang agawin ng mga nagwawalang residente ang mga hose at dito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa rambulan, dahilan upang mapabayaan ang sunog hanggang sa sumiklab. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended