^

Metro

Shabu queen natakot ma-salvage, sumuko

-
Isang 42-anyos na babaeng tinaguriang ‘shabu queen’ sa CAMANAVA area ang sumuko kahapon sa mga awtoridad makaraang makaramdam nang pagkaligalig sa sarili nang matugunan nito na pangunahing target siya ng drug operation ng pulisya, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Nakilala ang sumukong suspect na si Emelita Abatol, alyas Lilet, ng Block 13, Lot 10 Phase 2, Area 2, Barangay Longos ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng umaga nang sumuko si Lilet sa mga awtoridad sa tulong ng isang reporter.

Nabatid na si Abatol ay sinasabing nasa order of battle ng Malabon PNP-Drug Enforcement Unit dahil sa talamak na pagtutulak nito ng ipinagbabawal na gamot.

Oktubre 31 ng magpalabas ng warrant ang korte laban dito. Pansamantala itong nagtago subalit di naglaon ay sumuko dahil sa matinding takot makaraang mabatid na target na siya ng operasyon ng pulisya. (Ulat ni Rose Tamayo)

ABATOL

BARANGAY LONGOS

BATAY

DRUG ENFORCEMENT UNIT

EMELITA ABATOL

ISANG

LILET

MALABON

MALABON CITY

NABATID

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with