Aides ni Mariah Carey nambastos sa NAIA
November 20, 2003 | 12:00am
Dahil sa ginawang pambabastos ng mga bodyguard ng pop singer na si Mariah Carey kay NAIA general manager Edgardo Manda nang dumating ang mga ito noong Sabado, hindi sila bibigyan ng VIP treatment sa kanilang return flight sa Estados Unidos.
Si Manda at Ret. Gen. Angel Atutubo, assistant general manager for security and emergency services sa NAIA ay pinalabas ng mga bodyguards at foreign organizers ni Ms. Carey nang pumasok ang dalawang opisyal sa VIP lounge ng NAIA Centennial Terminal 2 kung saan nanatili ang singer bago ito sumakay sa kanyang limousine.
Ipinag-utos ni Manda sa kanyang mga tauhan na idaan sa normal security procedure si Ms. Carey at ang entourage nito, kasabay sa paghiling sa mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) na idaan din sila sa sinusunod na proseso sa mga umaalis na pasahero.
Ayon sa ilang source, si Ms. Carey ay kasalukuyang nasa Amanpulo, Palawan upang umiwas sa mga kontrobersiya at maaaring hindi sa NAIA dumaan kundi sa ibang international airport na lamang sa kanilang pagbalik sa US.
Samantala, kabaligtaran naman ito sa naging pagdating ni Mandy Moore noong Linggo na tuwang-tuwa dahil sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga tagahanga.
Si Manda, dala ang isang bungkos na bulaklak ang siya mismong sumalubong kay Ms. Moore sa kanyang paglabas sa eroplano.
Nabatid na bibigyan ng VIP treatment si Ms. Moore sa kanyang pag-alis dahil hiniling umano ito ng kanyang grupo.
Hindi na pipila sa security check at immigration counter ang grupo ni Ms. Moore sa kanilang pag-alis. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended