7 pulis na nanalakay ng karaoke bar ipinasisiyasat
November 19, 2003 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang isang may-ari ng karaoke bar sa Pasay City kay PNP Deputy Director Reynaldo Velasco, hepe ng NCRPO na siyasatin at gawan ng karampatang aksyon ang ilang pulis na umanoy puwersahang nag-take-over sa dalawang night club sa Pasay at Makati noong Oktubre 22.
Kinasuhan ni Ernestina Garcia, may-ari ng Club Prince sa Pasay Metropolitan Trial Court ang mga sumalakay sa pangunguna ng isang Wilfredo Wycoco na diumanoy kapatid ni NBI director Reynaldo Wycoco.
Ayon kay Garcia, pumasok na lamang nang puwersahan sa kanyang club ang mga suspect at nag-take-over sa operasyon nito.
Kasama rin sa kinasuhan sa sala ni Pasay RTC Judge Zenaida Laguelles sina Joce Lee Taladua, Paulita Lim, Mary Jenienne Jarin, Gilfred Jarin, Corazon Tioseco at Menchie Castillo.
Kasabay umano ng mala-Gestapong take-over sa club ni Garcia, isa pang grupo na may kasamang armadong kalalakihan ang sumalakay din sa Club Crea sa Makati. Tumangay umano ang mga suspect ng mga dokumento at cash na P200,000. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest