^

Metro

Drug trafficker na Tsinoy, timbog

-
Balik kalaboso ang isang hinihinalang Filipino-Chinese big-time drug trafficker matapos masakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang raid sa Bagong Silang, Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PDEA Executive Director Anselmo Avenido Jr. ang nasakoteng suspect na si Melchor Ong alyas Mike, may nakabimbing kaso sa illegal na droga sa korte.

Sinabi ni Avenido na si Ong ay nadakip sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Victorino Alvaro ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 120.

Ayon sa opisyal, ang suspect ay nahuli matapos salakayin ng mga operatiba ng PDEA ang bahay na pinagtataguan nito sa Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod sa pagitan ng alas-3 at alas-4 ng madaling-araw nitong Lunes.

Nabatid na ang suspect ay matagal nang isinasailalim sa masusing surveillance operations ng mga awtoridad matapos na makatanggap sila ng impormasyon na aktibo na naman ito sa kanyang illegal na gawain.

Sinabi ng opisyal na nakatakda sanang mag-deliver ng illegal na droga ang suspect nang masakote ng pulisya.

Hindi na nakapalag ang suspect matapos makorner ng mga pulis na nakumpiskahan rin ng may 60 gramo ng shabu na pinaniniwalaang natira na lamang sa mga naibenta nitong droga. (Ulat ni Joy Cantos)

AVENIDO

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE DIRECTOR ANSELMO AVENIDO JR.

JOY CANTOS

JUDGE VICTORINO ALVARO

MELCHOR ONG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with