^

Metro

Lalaki nilikida, isInama sa basura

-
Halos humiwalay ang ulo sa katawan ng isang lalaki nang matagpuan ang bangkay nito na nakasilid sa isang sako at itinapon kasama ng mga basura, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO3 Raul Olavario ng Western Police District (WPD) dakong alas-11:45 ng gabi nang matagpuan ang hindi nakikilalang bangkay ng lalaki sa paanan ng overpass ng A.H. Lacson St. ng nasabing lungsod.

Nabatid na nadiskubre ang bangkay ng basurero na si Gerardo Mace at kasama nito habang naghahalungkat sila ng basura sa nasabing lugar nang mapansin nito ang dugong umaagos mula sa loob ng sako.

Inakala umano ng mga basurero na isa lamang itong hayop kung kaya’t tinangka ng mga ito na ihagis na lamang sa ilog ang sako subalit halos hindi ito mabuhat ng dalawa kung kaya’t nagpasya silang buksan ito at nadiskubreng katawan ng tao ang laman nito.

Isinalarawan naman ang biktima na nasa pagitan ng edad 30-40 anyos, payat, nakasuot ng pantalong maong at puting t-shirt at tadtad ng saksak sa leeg na halos humiwalay ang ulo nito sa katawan. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

GEMMA AMARGO

GERARDO MACE

INAKALA

ISINALARAWAN

LACSON ST.

LUMALABAS

MAYNILA

NABATID

RAUL OLAVARIO

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with