Undercover agents ng MMDA ikakalat vs mapagsamantalang drayber
November 16, 2003 | 12:00am
Magpapakalat ng mga undercover agent ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga shopping mall upang magmanman at magsagawa ng pag-aresto laban sa mga taxi driver na magsasamantala sa buwan ng Kapaskuhan tulad ng pangongontrata at pagtanggi sa mga pasahero.
Ito ang naging ultimatum na hakbangin ng MMDA laban sa mga barumbado at mapagsamantalang taxi driver.
Sinabi ng MMDA na papatawan nila ng kaukulang parusa tulad ng pag-aresto at pagkansela ng prangkisa sa sinumang tsuper ng taxi na nagsasamantala sa mga pasahero sa tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre.
Dahil kadalasang nangyayari sa tuwing sasapit ang buwan ng Kapaskuhan, maraming tsuper ng taxi ang nagsasamantala sa mga pasahero. Tulad ng ginagawa nilang pangongontrata at pagtanggi kapag ma-trapik ang lugar na pupuntahan ng pasahero. Ito ang kadalasang tinatanggap na reklamo ng MMDA, Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO).
Sinabi ni Lito Vergel de Dios, director ng Traffic Operation Center (TOC) ng MMDA na magpapakalat sila ng mga undercover agent sa mga shopping mall. Kung saan ang magiging trabaho ng mga ito ay magmanman at manghuhuli sa mga tsuper ng taxi na mapagsamantala.
Nabatid sa MMDA na seryoso sila na isa sa pagtutuunan ng pansin at masolusyunan ang ganitong uri ng mga reklamo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended