Mag-asawang French,Chines tiklo sa human smuggling
November 15, 2003 | 12:00am
Natimbog na umano ng US Federal Bureau ang mag-asawang French at Chinese national na responsable sa pagpupuslit ng mga ilegal na Chinese sa Estados Unidos gamit ang mga paliparan sa Pilipinas at sa iba pang bansa bilang mga transit points.
Ito ang inihayag kahapon ni BI Commissioner Andrea Domingo na iniulat sa kanya ng US Embassy. Nakilala ang mga nadakip na sina Alexander Wei, isang French at ang asawa nitong si Bing Xei na ang tunay na pangalan ay Wang Xiao Lingzi.
Ang dalawa ay itinuturong lider ng isang sindikato ng human smuggling na nagpapasok ng mga ilegal na Intsik sa US sa mga nagdaang taon.
Nadakip ang mag-asawa, isang araw matapos na maaresto ng immigration agent sa NAIA ang limang Chinese na nakatakdang ipuslit ng sindikato papuntang US gamit ang mga pekeng US visa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am