^

Metro

Dalaga kinatay ng boyfriend matapos kumalas

-
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang helper ang kanyang kasintahan matapos na kumalas ito sa kanilang relasyon, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Rogin Carasa, 21, sekretarya ng Green Express Trucking at residente ng #2-D San Francisco St., Vic Mari Compound, Barangay Baesa, Quezon City.

Ayon kay SPO1 Miguel Acosta ng CPD Station 3, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga kahapon sa loob ng kompanyang pinagtatrabahuhan ng dalagang biktima.

Iniulat na dumating sa nasabing lugar ang suspect na nakilalang si Charlie Cruz, 39, ng Unang Sigaw, Balintawak, Quezon City na helper sa nabanggit ding kompanya.

Kinompronta ng suspect ang biktima dahilan sa pagkalas nito sa kanilang relasyon.

Ngunit iginiit ng babae na hindi na siya kailanman makikipagbalikan dito dahilan upang uminit ang ulo ng suspect. Mabilis na bumunot ng patalim si Cruz at saka pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinangkang umawat ang katulong na si Jacky Panate, 16, na sinaksak din ng suspect at ngayon ay nasa kritikal pang kondisyon. Habang si Carasa naman ay hindi na umabot pang buhay.

Mabilis namang nadakip ang suspect para papanagutin sa isinagawang krimen. (Ulat ni Anna Sanchez)

vuukle comment

ANNA SANCHEZ

BARANGAY BAESA

CHARLIE CRUZ

D SAN FRANCISCO ST.

GREEN EXPRESS TRUCKING

JACKY PANATE

MABILIS

MIGUEL ACOSTA

QUEZON CITY

ROGIN CARASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with