6 pang bigtime drug traffickers,timbog
November 13, 2003 | 12:00am
Itinutok ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang operasyon laban sa illegal drugs kung saan anim na bigtime drug traffickers kabilang ang isang Fil-Chinese ang nadakip sa isinagawang sunud-sunod na operasyon.
Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Peter Lao Sy, 50, ng Binondo, Maynila; Arsad Mababaya, 24; Abdultaha Ali, 25; Nestor Guillermo, 44; Clarita Saguiped, 39 at Felicidad Hernandez.
Ang mga suspect ay iprinisinta ni NBI director Reynaldo Wycoco matapos madakip sa magkakahiwalay na operasyon sa ibat-ibang lugar.
Si Sy ay nasakote base sa search warrant na inihain ng mga awtoridad sa kanyang bahay kung saan nakuha pa ang hindi madeterminang timbang ng shabu.
Nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended