Ito ang inihayag kahapon ni Deputy Director General Edgar Aglipay, chief ng PNP-AID-SOFT kasunod ng matagumpay na operasyon sa shabu warehouse sa nasabing lungsod noong Lunes ng gabi.
Sinabi ni Aglipay na mapupunta sa nasabing impormante ang reward na ipinagkakaloob ng pamahalaan alinsunod sa RA 9165 o ang Comprehensive Drugs Act of 2000.
Nabatid sa opisyal na magbibigay ang pamahalaan ng pabuyang mula P50,000 pataas sa bawat kilo ng makukumpiskang shabu sa mga impormante bilang bahagi ng ipinatutupad na reward system.
Gayunman, tumanggi naman si Aglipay na tukuyin ang pagkakakilanlan sa nasabing informer para na rin sa proteksyon nito.
Ayon kay Aglipay, isa lamang pangkaraniwang sibilyan ang kanilang informer na di rin tinukoy kung lalaki o babae.
Inihayag pa nito na mismong sa kanyang cellphone tumawag ang impormante na nagturo sa wareheouse ng shabu sa #6011 Benito Jao St., Mapulang Lupa, Valenzuela City.
Magugunitang bukod sa nasamsam na isang bilyong halaga ng shabu apat na bigtime Chinese drug traffickers at isang Tsinoy din ang nadakip sa isinagawang operasyon. (Ulat ni Joy Cantos)