Kaso ng 'Kuratong Baleleng' rubout dinismis
November 13, 2003 | 12:00am
Tuluyan nang dinismis kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang kaso ng Kuratong Baleleng rubout na kinasasangkutan ni Sen. Panfilo Lacson.
Sa kanyang 18 pahinang desisyon, sinabi ni QCRTC Judge Teresa dela Torre-Yadao na wala umanong probable cause para buhaying muli ang naturang kaso.
Binigyang pansin ni Yadao sa kanyang desisyon ang argumento ng defense panel sa pamamagitan ni Atty. Frank Chavez na ang mga bagong witness na iprinisinta ng prosekusyon para buhayin ang kaso ay pawang wala sa nabanggit na lugar nang maganap ang insidente.
Niliwanag din sa desisyon na alam ng sala ni Yadao na may dalawang menor-de edad sa mga nasawing biktima, subalit hindi naman umano ito mabigat na dahilan para mailipat na family court ang usapin.
Binanggit nito na isang pampagulo lamang ang mga ihinarap o isinampang mosyon ng prosekusyon na humihiling na dalhin sa family court ang kaso.
Multi-academic na umano para pag-usapan pa ang mga mosyon na iniharap ng prosekusyon.
Wala namang reaksyon ang tanggapan ni QC Executive Judge Natividad Dizon hinggil sa nabanggit na desisyon ni Yadao.
Magugunitang ipinag-utos ng Korte Suprema ang muling pagbubukas sa kaso ng Kuratong Baleleng na nauna na ring dininig sa sala ni Judge Yadao at nadismis.
Sa muling pagbubukas ng kaso, at pagkatapos ng isinagawang pagra-raffle muli itong bumalik mismo sa sala ni Judge Yadao na ngayon nga ay muling nagdismis sa kaso.
Magugunitang 11 miyembro ng Kuratong Baleleng ang nasawi sa naganap na insidente kabilang nga ang dalawang menor-de edad.
Samantala, hindi magpapatalo ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagkakabasura sa kaso ng Kuratong Baleleng.
Ayon kay Justice Secretary Simeon Datumanong, maraming pagkakamaling nagawa si Judge Yadao sa pagpapaabsuwelto nito sa kasong multiple murder laban sa nabanggit na senador.
Sinabi naman ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuño na magsusumite sila ng motion sa Court of Appeals (CA) upang muling pag-aralan ang desisyon ni Yadao.
Binanggit pa rin ni Zuño na malinaw na walang hurisdiksyon ang QC-RTC sa kaso ng Kuratong Baleleng at ito ay nararapat lamang na dinggin sa family court.
Aniya, nagkaroon din ng procedural lapses sa nasabing kaso kung kayat hindi makatuwiran na basta na lamang iabsuwelto ni Yadao si Lacson.
Gayunman, mamadaliin ng DOJ ang pagsusumite nito ng motion sa CA upang habulin si Lacson at paharapin sa naturang kaso. (Ulat nina Angie dela Cruz at Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended