Trike driver tinodas ng anak-anakan
November 10, 2003 | 12:00am
Pinagsasaksak at napatay ang isang tricycle driver ng stepson nito makaraang magdilim ang paningin ng huli nang masaksihan ang ginagawang pananakit ng una sa kaniyang ina sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.
Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital ang biktimang kinilalang si Eduardo Padua, 44, may-asawa at naninirahan sa # 16 A Antonio St., Rincon ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong malalalim na saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Pinaghahanap naman ang suspect na si Humprey Aurigue, 24, binata, waiter, stepson ng biktima na mabilis na tumakas dala ang ginamit na patalim sa pamamaslang.
Base sa imbestigasyon nina PO2 Rommel Sobrido at PO2 Richard Bautista ng Station and Investigation Branch (SIB) ng Valenzuela City Police Station, bandang ala 1:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng biktima.
Dinatnan umano ng suspect na nagtatalo ang biktima at ang kaniyang ina na humantong sa panggugulpe ng una sa ginang.
Dahil dito ay nagdilim ang paningin ng suspect at kinuha ang kutsilyo sa kanilang kusina saka pinagsasaksak ng sunud-sunod ang biktima. (Ulat ni Jo Cagande)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended