'Spoiled brat' arestado: 2 pulis dinuraan,sinipa
November 8, 2003 | 12:00am
Ibang klaseng pagwawala ang ginawa ng isang 21-anyos na spoiled brat na anak ng isang mayamang angkan kung saan matapos na manggulo sa bahay ng isang diplomat ay sa himpilan naman ng pulisya nagwala. Sinipa at dinuraan sa mukha ang dalawang opisyal dito, kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Nakapiit ngayon sa Makati City police ang suspect na si Yves Lawrence Tan, La Salle student ng #1340 Caballero St., Dasmariñas Village, Makati City.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-4:35 ng hapon sa bahay ni US Embassy Deputy Chief Mission Joseph Mussonmell.
Bukod sa hinataw ng kahoy ng suspect ang security guard na si Alberto Lucero Jr. na nakatalaga sa bahay ng naturang DFA official, sinira din ni Tan ang Daewoo Racer car na nakaparada sa bahay nito.
Hindi pa rito nagtapos ang pagwawala ni Tan, kundi nang imbestigahan na ito sa himpilan ng pulisya ay dinuraan nito sa mukha si SPO2 Carlos Serrano. Nang mamagitan naman ang hepe ng pulisya na si Senior Supt. Jovito Gutierrez ay sinipa ito ng suspect.
Nakatakdang isailalim sa medical at drug test si Tan, gayundin inihahanda na ang mga kaso laban dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest