Bodega ng pintura nasunog
November 7, 2003 | 12:00am
Nilamon ng apoy ang bodega ng pintura sa Manresa, Quezon City kamakalawa ng gabi at tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-10 ng gabi sa warehouse ng Pacific Paint and Oil Manufacturing Inc. at hanggang kahapon ay may kaunti pa ring pag-aapoy sa lugar bunsod ng mga nakaimbak na mga kemikal at pintura dito.
Umabot sa general alarm ang sunog na hanggang kahapon nga ay patuloy pa rin ang pagbomba ng tubig dito.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang insidente. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest