Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Francisco at Carmelita Peñaranda, kapwa residente ng Biak-na-Bato St., Tondo, Maynila.
Hawak naman ngayon ng PNP Traffic Management Group ang suspect na si Jose Miguel Mallari, 29, driver, na nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa may Tayuman St. sa Tondo kung saan papatawid ng kalsada ang mag-asawa buhat sa pagdalaw sa isang kaanak.
Naabutan naman ng green light ang dalawang matanda dahil sa bagal maglakad at siya namang dating ng rumaragasang truck na bumangga sa dalawang matanda. (Ulat ni Danilo Garcia)