^

Metro

Lolo at lola inararo ng truck,kapwa patay

-
Magkasama maging sa kamatayan ang mag-asawang lolo at lola nang masagasaan sila ng isang rumaragasang cargo truck, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Francisco at Carmelita Peñaranda, kapwa residente ng Biak-na-Bato St., Tondo, Maynila.

Hawak naman ngayon ng PNP Traffic Management Group ang suspect na si Jose Miguel Mallari, 29, driver, na nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa may Tayuman St. sa Tondo kung saan papatawid ng kalsada ang mag-asawa buhat sa pagdalaw sa isang kaanak.

Naabutan naman ng green light ang dalawang matanda dahil sa bagal maglakad at siya namang dating ng rumaragasang truck na bumangga sa dalawang matanda. (Ulat ni Danilo Garcia)

BATO ST.

BIAK

CARMELITA PE

DANILO GARCIA

HAWAK

JOSE MIGUEL MALLARI

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

TAYUMAN ST.

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with