^

Metro

Rookie cop todas sa kidnap gang

-
Isang bagitong pulis ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakikilalang mga lalaki na kanyang sinita, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Hindi na umabot pang buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si PO1 Michael Dennis Corpuz, 32, binata at nakatalaga sa Sta.Monica Police Community Precinct 8.

Tadtad ito ng tama ng bala ng baril sa katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa ulat ng WPD Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa kanto ng Gen. Malvar St., Malate kung saan nagroronda ang biktima sakay ng kanyang scooter.

Napansin nito ang isang taxi na walang plaka na sakay ang mga suspect at ito ay kanyang sinundan. Napansin naman siya ng mga suspect na huminto sa pagtakbo.

Bumaba ang biktima sa dalang scooter para sitahin ang mga suspect subalit hindi pa siya nakakalapit ay bigla na siyang pinaulanan ng bala ng mga ito.

Malaki ang paniwala ng pulisya na miyembro ng kidnapping syndicate ang mga tumakas na suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BUMABA

DANILO GARCIA

HOMICIDE DIVISION

ISANG

MALAKI

MALVAR ST.

MAYNILA

MICHAEL DENNIS CORPUZ

MONICA POLICE COMMUNITY PRECINCT

NAPANSIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with