Maliban kay Alfelor, akusado din sa kasong multiple murder sina Atty. Ado Turiano, Jessie Intia, SPO1 Armando Padi, Alvin Padi, Reagan Villanueva,Santiago Tampoco, Richard Nacario at apat na iba pa subalit inabsuwelto din ng korte.
Sa 10 pahinang resolusyon ni DOJ Secretary Simeon Datumanong, nabatid na walang sapat na basehan ang akusasyon ng mga kaanak ng napaslang na si Teresita Remodo, Josephine Licup at Nelly Barillos upang idiin ang alkalde at iba pang akusado.
Matatandaan na ang maybahay ni Alfelor na si Madeleine Tosoc-Alfelor ay nagsampa ng kaso sa DOJ upang ibunyag umano ang ginawang pamamaslang ng mga tauhan ng alkalde. Bukod pa dito ang pagsasampa ng marital rape laban sa sariling mister.
Ang mga biktima ay sina Reynaldo Licup, DTI officer ni Alfelor at sinasabing kalaguyo ni Madeleine; Geoffrey Remodo at Rommel Barillos.
Batay sa record na isinampa laban kay Alfelor, noong Disyembre 4, 2001, dalawang kalalakihan ang tumambang sa mga biktima na nooy nag-iinuman sa Foodhauz Videoke Bar sa Diversion Road, Brgy. San Nicolas, Baao, Camarines Sur.
Sinabi ng DOJ na nabigo din si Madeleine na magbigay ng testimonya laban sa kanyang asawa alinsunod na rin sa Rules of Evidence sa ilalim ng marital disqualification. (Ulat ni Grace dela Cruz)