^

Metro

Mayor Alfelor, inabsuwelto ng DOJ sa kasong murder

-
Inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) sa kasong pagpatay si Iriga City Mayor Emmanuel Alfelor sa kabila ng pagdidiin na ginawa ng sarili nitong asawa na ito umano ang utak ng pagpatay sa lover ng huli at iba pang kasamahan bunga ng pagseselos.

Maliban kay Alfelor, akusado din sa kasong multiple murder sina Atty. Ado Turiano, Jessie Intia, SPO1 Armando Padi, Alvin Padi, Reagan Villanueva,Santiago Tampoco, Richard Nacario at apat na iba pa subalit inabsuwelto din ng korte.

Sa 10 pahinang resolusyon ni DOJ Secretary Simeon Datumanong, nabatid na walang sapat na basehan ang akusasyon ng mga kaanak ng napaslang na si Teresita Remodo, Josephine Licup at Nelly Barillos upang idiin ang alkalde at iba pang akusado.

Matatandaan na ang maybahay ni Alfelor na si Madeleine Tosoc-Alfelor ay nagsampa ng kaso sa DOJ upang ibunyag umano ang ginawang pamamaslang ng mga tauhan ng alkalde. Bukod pa dito ang pagsasampa ng marital rape laban sa sariling mister.

Ang mga biktima ay sina Reynaldo Licup, DTI officer ni Alfelor at sinasabing kalaguyo ni Madeleine; Geoffrey Remodo at Rommel Barillos.

Batay sa record na isinampa laban kay Alfelor, noong Disyembre 4, 2001, dalawang kalalakihan ang tumambang sa mga biktima na noo’y nag-iinuman sa Foodhauz Videoke Bar sa Diversion Road, Brgy. San Nicolas, Baao, Camarines Sur.

Sinabi ng DOJ na nabigo din si Madeleine na magbigay ng testimonya laban sa kanyang asawa alinsunod na rin sa Rules of Evidence sa ilalim ng marital disqualification. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ADO TURIANO

ALFELOR

ALVIN PADI

ARMANDO PADI

CAMARINES SUR

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIVERSION ROAD

FOODHAUZ VIDEOKE BAR

GEOFFREY REMODO

IRIGA CITY MAYOR EMMANUEL ALFELOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with