Kaugnay nito, personal na pinangasiwaan ni Gozun ang paglilipat ng agilang si Maligaya sa Wildlife and Rescue Center sa Wildlife Bureau ng DENR makaraang mailigtas sa kamay ng mga humuli rito noong Biyernes.
Namangha naman ang mga beterinaryo ng DENR sa ipinamalas na katatagan ng agila ng malagpasan nito ang pagsubok matapos na masugatan at magtamo ng tama ng pellet sa kanyang pakpak at tiyan.
Ayon naman sa mga beterinaryong sumuri kay Maligaya, tatagal pa ng anim na buwan upang lubusang maka-recover ang agila bago tuluyang maibalik sa kagubatan. (Ulat ni Doris Franche)