Ang pagpapasok ng mga alak at patalim ay mahigpit na ipinagbabawal sa pangamba na pagsimulan ito ng anumang karahasan.
Hindi rin nakalusot ang pagpapasok ng mga radyo at baraha matapos na ipagbawal din ni Manila Mayor Lito Atienza ang pag-iingay at pagsusugal sa loob ng sementeryo.
Ayon kay Atienza, kinakailangan galangin ang mga yumaong mahal sa buhay at dasalan ang pagpanaw ng mga ito.
Samantala, inirereklamo naman ng mga vendor ang umanoy pangongotong sa kanila ng ilang empleyado ng North Cemetery upang mabigyan ng permiso na makapagtinda.
Nabatid pa sa ilang vendor na umaabot sa P1,500 hanggang P2,500 ang umanoy "grease money" sa ilang tauhan ng sementeryo upang makapagtinda sa loob mismo ng naturang libingan. Wala umanong ibinibigay na anumang resibo ang mga nangongolekta sa kanilang puwesto.
Iginiit ng mga vendor na ang pangongolekta sa kanila ng ilang kinatawan ng sementeryo ay taliwas sa kautusan ni Atienza na bigyan ng permit at resibo ang mga vendor na magbabayad ng karampatang halaga sa kanilang pagtitinda. (Ulat nina Danilo Garcia at Gemma Amargo)