CIDG member timbog sa drug bust
November 1, 2003 | 12:00am
Bumagsak sa mga kamay ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (PNP-AIDSOTF) at ng CPD-Cubao Station ang isang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa Camp Crame makaraang mahuli ito sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni PNP Director for Administration at PNP AIDSOTF Chief P/Deputy Director Edgardo Aglipay ang suspect na si SPO1 Raul Palad, 37, alyas BURUACOL, at residente ng 90 14th Ave. Cubao, Quezon City.
Ayon naman kay Supt. Benigno Durana, hepe ng Central Police District-Cubao Station, matagal na umanong nasa watchlist ang suspect dahil sa report na isa itong drug pusher sa kanilang lugar sa Brgy. Socorro.
Matapos ang isang linggong surveillance agad na isinagawa ang buy bust operation kung saan nakipagnegosasyon ang suspect sa isa ring pulis na nagpanggap na buyer.
Nakipagkita ang pulis na si PO2 Edwin de Guzman sa suspect sa harap ng Everglow Apartelle sa panulukan ng 12th Ave. at P. Tuazon St. sa Cubao, ng nabanggit ding lungsod.
Agad na pinosasan ng mga pulis ang suspect nang nasa aktong iniaabot ang halagang P1,000.
Nakuha sa suspect ang 11 plastic sachet na naglalaman ng crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.
Iginiit pa ni Durana na mayroon pa silang grupong sinusubaybayan na pinaniniwalaang grupo ni Palad na aktibong nagsu-supply ng droga sa naturang lugar.
Kasalukuyan pa rin nilang kinukumpirma na may ilan ding opisyal ng pulisya ang nagbibigay ng proteksyon kay Palad upang magsagawa ng iligal na transaksyon ng ipinagbabawal na gamot.
Ang suspect ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 sa Quezon City Prosecutors Office (QCPO) bukod pa sa pagsasailalim sa summary dismissal proceeding bunga ng kasong administratibo. (Ulat nina Joy Cantos/Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended