Dengue outbreak sa Valenzuela City
October 31, 2003 | 12:00am
Umaabot na sa 13 katao ang namatay, habang 402 naman ang dinapuan ng karamdaman sanhi ng "dengue outbreak" sa Valenzuela City.
Ito naman ang kinumpirma ni Dr. Antonio Olegario, Health Officer ng Valenzuela City, matapos na mapaulat na pinakahuling namatay si Mary Anne Santos, 9, ng Purok 2, Brgy. Marulas na dinapuan ng sakit na dengue.
Lumilitaw na sa 32 barangay sa Valenzuela, 23 dito ang lubusang naapektuhan ng pagkalat ng sakit na dengue tulad ng Brgy. Marulas, Gen. T. de Leon, Ugong at Karuhatan.
Dahil dito, isang massive campaign naman ang isinasagawa ngayon ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa dengue.
Nabatid pa kay Olegario na may mga estudyante rin mula sa Valenzuela City High School, Marulas Central School, Notre Dame at Sto. Rosario Montessori ang iniulat na nasawi. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am