^

Metro

Fish kill sa Manila Bay

-
Libu-Libong mga patay na isda ang lumutang kahapon sa baybayin ng Manila Bay na hinihinalang dulot ng pagkalason ng tubig buhat sa kemikal na tumapon sa dagat kahapon ng umaga.

Nadiskubre ang fish kill dakong alas-5 ng umaga ng mga mangingisda at namimingwit sa baybayin ng dagat partikular sa may pampang ng Baywalk sa kahabaan ng Roxas Blvd.

Ayon sa mga namimingwit, nagulat na lamang sila nang makitang naglutangan ang mga isda na kinabibilangan ng banak, talakitok, lapu-lapu at iba pang tubig-alat na isda.

Malaki naman ang hinala ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagmula sa isang barko ang nakalalasong kemikal na kumalat sa dagat.

Dahil dito, kumuha ng sampol ng tubig ang BFAR sa Manila Bay upang masuri at matukoy ang pinagmulan ng kemikal.

Pinayuhan din ng BFAR ang mga mangingisda at namimingwit na huwag kainin ang mga lumutang na isda sa posibilidad na may dala na itong nakalalasong kemikal. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

BAYWALK

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DAHIL

DANILO GARCIA

LIBU-LIBONG

MALAKI

MANILA BAY

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with