5 patay, 3 sugatan sa cement mixer
October 31, 2003 | 12:00am
Limang katao ang kumpirmadong namatay samantalang tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang madaganan ng cement mixer na nawalan ng preno kahapon ng tanghali sa Pasig City.
Nasawi noon din ang mga biktimang sina Amorcel Santos, asawang si Rondina at anak na si Patrick Santos, 7, habang inaalam pa ang mga pangalan ng isa pang teenager at ng taxi driver na kanilang sinasakyan.
Ginagamot naman sa Pasig City General Hospital ang tatlong sugatan na sina Kaye, 11, at Kimberly Santos, 5, at driver ng trak na si Romeo Maltos, 29. Nagtamo ang mga biktima ng bali ng buto sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Lumilitaw sa imbestigasyon na binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Amang Rodriguez Blvd. sa Brgy. Rosario sakay ng puting taxi na may plakang PWJ-756 nang biglang sumulpot ang cement mixer na minamaneho ni Maltos.
Nawalan ito ng preno hanggang sa bumangga sa isang poste ng Meralco hanggang sa tuluyang bumagsak sa nasabing taxi.
Nabatid na puno ng semento ang nasabing mixer na pag-aari ng Exan Builders at nakatakda sanang dalhin sa Brgy. Wack-Wack sa Mandaluyong City.
Tumagal ng dalawang oras ang pagrescue sa mga biktima na ginamitan ng crane ng mga tauhan ng MMDA. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am