Habambuhay na kulong hatol sa lookout
October 30, 2003 | 12:00am
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Valenzuela City Regional Trial Court (VCRTC) sa isang lalaki na nagsilbing look-out sa bentahan ng droga noong Oktubre 2000.
Si Bienvenido Olan, ng Valenzuela City ay hinatulan ni VCRTC Branch 171 Judge Maria Nena Santos ng life imprisonment bagamat nagsilbi lamang itong look-out sa transaksiyon ng droga noong Oktubre 31, 2000.
Bukod kay Olan, naaresto din sa isinagawang buy-bust operation ng Valenzuela Police si Jose Sacdalan sa loob ng isang subdibisyon sa naturan ding lungsod.
Ibinasura din ng korte ang alibi ni Olan na wala silang kinalaman sa transaksiyon dahil ayon kay Judge Santos, mabigat na ebidensiya ang pakikipagsabwatan lalo pat usapin ng droga ang pinag-uusapan. (Ulat ni Jo Cagande)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended