Umaabot sa 150 MM bus o 41 bus operators ang binigyan ng special permit ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Elena Bautista upang makapagbiyahe sa mga probinsiya mula ngayon hanggang Nobyembre 4, 2003.
Nilinaw ni Bautista na ang pagbibigay ng permit sa may 150 MM bus ay bilang karagdagang sasakyan sa mga uuwi ng probinsiya ngayong Undas.(Ulat ni Angie dela Cruz)