Samantala, ang mga sasakyan na magtutungo sa Chinese Cemetery mula sa Maynila ay maaaring dumaan sa Jose Abad Santos Ave. kakanan sa Pampanga St. o sa Rizal Avenue.
Ang mga manggagaling na sasakyan naman mula sa A.H. Lacson (Gov. Forbes) Avenue ay maaaring kumaliwa sa Tayuman St. at kakanan sa Rizal Avenue samantalang ang mga behikulo na magtutungo sa North Cemetery na magmumula sa Maynila ay maaaring dumaan sa Rizal Avenue, Dimasalang o sa A. Maceda St.
Subalit ang mga manggagaling naman mula sa Quezon City ay maaaring kumaliwa sa Blumentritt at sa panulukan ng A. Bonifacio Ave. kakanan sa Makiling St. o sa Calamba St. at kakaliwa naman sa A. Maceda St. hanggang sa mga inilaang parking areas samantalang ang isang bahagi ng Blumentritt ay magiging one way southward ng España Blvd.
Maaari namang dumaan ang mga jeepney na magtutungo sa direksyon ng North Cemetery mula sa Blumentritt sa Isagani St. kakanan sa Cavite St. samantalang ang mga manggagaling naman mula sa Quezon City via Retiro St. ay maaaring kumaliwa sa Blumentritt, kaliwa sa Makiling. (Ulat ni Gemma Amargo)