^

Metro

Re-routing sa Maynila sa Undas

-
Nagpalabas ng re-routing scheme ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa Undas kung saan simula sa hatinggabi ng Oktubre 31, isasarado ang mga pangunahing kalsada ng Blumentritt sa Dimasalang hanggang A. Makiling St. samantalang sa umaga naman ng Nob. 1 ay isasara rin ang Aurora Blvd. mula sa Rizal Avenue hanggang Dimasalang St., Retiro St. mula Blumentritt hanggang Dimasalang St. at Dimasalang St. mula Blumentritt hanggang Maria Clara St.

Samantala, ang mga sasakyan na magtutungo sa Chinese Cemetery mula sa Maynila ay maaaring dumaan sa Jose Abad Santos Ave. kakanan sa Pampanga St. o sa Rizal Avenue.

Ang mga manggagaling na sasakyan naman mula sa A.H. Lacson (Gov. Forbes) Avenue ay maaaring kumaliwa sa Tayuman St. at kakanan sa Rizal Avenue samantalang ang mga behikulo na magtutungo sa North Cemetery na magmumula sa Maynila ay maaaring dumaan sa Rizal Avenue, Dimasalang o sa A. Maceda St.

Subalit ang mga manggagaling naman mula sa Quezon City ay maaaring kumaliwa sa Blumentritt at sa panulukan ng A. Bonifacio Ave. kakanan sa Makiling St. o sa Calamba St. at kakaliwa naman sa A. Maceda St. hanggang sa mga inilaang parking areas samantalang ang isang bahagi ng Blumentritt ay magiging one way southward ng España Blvd.

Maaari namang dumaan ang mga jeepney na magtutungo sa direksyon ng North Cemetery mula sa Blumentritt sa Isagani St. kakanan sa Cavite St. samantalang ang mga manggagaling naman mula sa Quezon City via Retiro St. ay maaaring kumaliwa sa Blumentritt, kaliwa sa Makiling. (Ulat ni Gemma Amargo)

BLUMENTRITT

DIMASALANG ST.

MACEDA ST.

MAKILING ST.

MAYNILA

MULA

NORTH CEMETERY

QUEZON CITY

RIZAL AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with