4 na bigtime drug pusher tiklo
October 30, 2003 | 12:00am
Apat na pinaghihinalaang big-time drug pusher ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta rin ng pagkakasamsam ng P1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Las Piñas City.
Ang mga suspect ay nakilalang sina Elden Zaide alyas Pogi, 36, ng Gen. Trias, Cavite; Tarhata Bandong alyas Sarah, 25, ng Muntinlupa City; Dante Banagan, 25, ng Margosatubig, Zamboanga del Sur at Beth Kusain, 18, ng Cotabato City.
Ayon sa report ni Metro Manila Regional Office-PDEA Director Supt. Orlando Mabutas, ang mga suspect ay nadakip dakong alas-4 kamakalawa ng hapon sa harapan ng Shell Gas Station sa Almanza, Las Piñas City.
Nauna rito, nagpanggap na buyer ang kanyang mga tauhan na nakipagtransaksiyon sa mga suspect na sakay ng isang Toyota Corolla na may plakang UNW-660.
Mabilis na inaresto ang mga suspect sa aktong inaabot ang isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P350,000.
Umaabot din sa 500 gramo ng shabu na may katumbas na P1milyon ang nakuha pa ng mga awtoridad matapos na halughugin ang sasakyan ng mga ito.
Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng MMRO ang mga nahuling drug pusher na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended