^

Metro

4 patay sa water poisoning

-
Apat na katao ang kumpirmadong magkasunod na nasawi kabilang ang isang pitong taong gulang na bata matapos na matuyuan ng tubig sa katawan ang mga ito makaraang makainom ng kontaminadong tubig kamakailan sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga nasawi na sina Aquilino Manalo Sarmiento, 70; Lucien Respal, 56, pawang naninirahan sa Velasquez St.; Arnulfo Bayo, 40, ng Bulacan St. at ang 7-anyos na paslit na si Redemel Manabat ng Tayabas.

Nabatid kay Clemente San Sebastian, administrative officer ng Manila City Hall Sanitation Div., umaabot na rin sa 202 ang mga na-confine sa ibat-ibang pagamutan sa Maynila kung saan ay karamihan umano sa mga naging biktima ay mga bata.

Sa panibagong talaan ng mga na-confine, 13 sa mga biktima ay kasalukuyang nasa Ospital ng Tondo; 115 sa San Lazaro Hospital; 41 sa Mary Johnston Hospital; 26 sa Gat Andres Medical Center at 20 naman ang nasa Tondo Medical Hospital.

Kinumpirma rin ni San Sebastian na karamihan sa mga biktimang nakaratay sa mga nabanggit na pagamutan ay may mga edad na 3-anyos hanggang 70-anyos na nagsimulang makaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, pagdudumi at pagsusuka simula pa noong Oktubre 23, 2003 at nagsimula lamang magdagsaan ang mga ito sa ibat-ibang pagamutan noong nakaraang Sabado at nitong Lunes lamang.

Ayon pa kay San Sebastian, karamihan sa mga naapektuhang residente ng Tondo ay pawang nagmula sa District 1 at 2, kabilang na dito ang mga lugar ng Capulong, Dagupan, Tayabas, Bulacan at Velasquez St.

Napag-alaman sa isinagawang pagsisiyasat ng lokal na pamahalaan ng Maynila na pawang nakainom ng kontaminadong tubig mula sa Maynilad Water Services Incorporated (MWSI) ang mga biktima kung saan ay napasukan umano ng dumi ang mga tubo ng MWSI sa mga nabanggit na lugar dahil sa iligal na kuneksyon ng tubo ng tubig.

Lumalabas rin sa water sampling na positibong kontaminado ang tubig at walang kaukulang residual chlorine na siyang pumapatay sa mga mikrobyo na naging sanhi ng naturang karamdaman.

Samantala, kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na cholera ang dumapong sakit sa mga nasabing biktima.

Ayon kay Dr. Yolanda Olivares, sa 115 pasyente na ginagamot sa San Lazaro Hospital ay 29 sa mga ito ay pawang positibo sa Vibrio Cholera.

Nilinaw naman ni Olivares na hindi maituturing na outbreak ang naturang insidente kundi isa lamang umanong ‘clustering of cases’ o pagkakaroon ng mahigit sa tatlong kaso sa iisang lugar.

Umaapela naman ang DOH sa MWSI na dagdagan ang chlorine content sa supply ng tubig upang hindi na kumalat pa ang kontaminasyon.

Kaugnay nito, nakatakdang mamudmod ang DOH ng water purifier capsule sa mga naapektuhang lugar. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AQUILINO MANALO SARMIENTO

ARNULFO BAYO

AYON

BULACAN ST.

CLEMENTE SAN SEBASTIAN

MAYNILA

SAN LAZARO HOSPITAL

SAN SEBASTIAN

VELASQUEZ ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with